Nalalapit na ang pasukan, ilang
buwan nalang kayo'y magiging Grade 11 na. Siguro kayo ay nag iisip na ng
kukuning strand, humihingi na rin ng payo sa magulang at tinatanong na ang mga
kaklase. Nandiyan ang NCAE upang makatulong sa padedesisyon mo. Ngunit na sa'yo
pa rin ang desisyon.
Sa strand na Humanities and Social Sciences o HUMSS
marami kang matutunan. Hindi lang tungkol sa pag-aaral maging ang reyalidad.
Dito ang pokus mo ay mga tao, silang ang pinag-aaralan mo dito.
Makikia at matututunan mo
ang makisalamuha,makisama,makipag kapwa sa mga tao sa paligid mo.Ang mga
trabaho dito ay may kaugnayan sa tao.
Pansinin mo ang trabaho ng iyong
magulang, magtanong tanong ka rin sq ibang mga kakilala mo, magkaroon ka ng
ideya kung ano nga bang meron dito at kung gaano nga ba ito ka-importante.
Isa sa trabaho dito ay
pagpupulis, hindi lang tinuturo ang paghuli ng kriminal, matututunan mo rin
dito ang tamang disiplina na meron ka bilang isang pulis.Lalo pa at mhalaga ang
tungkulin ng ms pulid sa ating bansa.
May mga guro din dito,
matutulungan ka ng strand na'to ng tamang paggawa at pagtututo sa
kabataan.Imumulat ka nito na ang pagiging guro ay hindi lang trabaho, ito ay
obligasyon ngunit ika'y magiging masaya dito.May mga tao kang makikilala, iba'y
ibang katangian at edad.
Sa panahon ngayon, maraming mga
pulis ang lalong minamahal ang kanilang mga trabaho. Dahil nakakatulong sila sa
kanilang kapwa. At nakakatulong ang strand ng HUMSS upang magkaroon sila ng
mabuting katangian. Wala silang pinagsisihan kahit sinasabing nakabaon na sa
lupa ang kanilang isang paa.
Pansinin mo ang iyong guro,
makikita mo ang determinasyon niya sa pagtuturo, kahit siya ay naiingayan at
matigas ang inyong ulo, hindi pa rin niya kayo sinusukuan. Dahil ang strand ng
HUMSS ang nagmulat sa kanya na mahalin ang trabaho at ang mga tao dito.
Hindi ka magsisisi sa stranf ng
HUMSS dahil marami kang matututunan dito. Malalaman mo kung ano ba talaga ang
kailangan ng ating bansa, kung anong trabaho ang malaki ang impluwensiya at
maitutulong dito.
Mahalin mo ang strand na HUMSS,
hindi ka mababagot dahil ito ay may iba't ibang aspekto, mga bagong karanasan
na makakatulong sayo upang mahubog ang iyong pagkatao.
No comments:
Post a Comment