Mahal naming Pangulong Rodrigo P. Duterte,
Pagbati ng magandang araw! Nagagalak ako na ikaw ang naging
bagong pangulo ng ating bansa. Ika'y nangako ng magandang pagbabago, problema
sa droga ang nais mo agad solusyunan.Sinabi mong gagawin mo ang lahat ng iyong
makakaya upang umunlad ang bansang Pilipinas.
Sa panahon ngayon tumataas na ang bilang ng mga gumagamit ng
pinagbabawal na gamot.Nakakalungkot dahil maging mga nasa murang edad ay
gumagamit na rin nito, mukhang wala talagang pinipiling edad ang droga.
Dahilan po siguro ito kung kaya't ang problemq sa droga ang
nais niyong solusyunan.Napapansin ko na gumagawa na kayo agad ng aksiyon kahit
ikaw ay palang sa posisyon.
Makikita ang mga pagbabagong nangyayari sa ating
bansa.Marami ng gumagamit at nagtutulak ng droga ang pinapatay, ang balita ko ay
kayo ay may listahan. Nakasulat doon ang kanilang mga pangalan.Wala kayong
pinipili, mayaman man o mahirap. Halos araw-araw nang panonood ko ng balita
naibabalita sa telebisyon, maging ew radyo ang tungkol sa mga taong pinatay May
mga karatulang nakasabit sa kanila na nagsasabing "Huwag akong
tularan,pusher ako."
Marami ang nabahala kaya nagdesisyong sumuko, gusyo nilang
magbagong buhay. Siguro para na rij sa kanilang mga mahal sa buhay. Nguniy ang
nakakalungkot dito, ang ilan sa kanila ay pinapatay pa rin. Nakakagulat ang mga
katotohanang ito ngunit ito ang tunay na nangyayaro sa paligid at sa ating
bansa.
Sa kasalukuyan bumababa ang bilwng ng mga gumagamit ng
pinagbabawal na gamot, maging ang mga nasa murang edad ay tinigilan na ito.
Ngunit, sa kabila ng mga patayang nagaganap, nakakatuwang
isipin na ang ilan ay hinagayaan mong magbago ng tuluyan. Tinutulungan niyo
silang magsimula muli. Nabalitaan ko na ikaw ay nagbigay ng hanapbuhay sa
kanila.Binibigyan mo rin sipa ng pag-asa at pagkakataong talikuran anh dati
nilang buhay, kung saan wala silang liwanag upang sila ay mabuhay. Ipagpatuloy
niyo sana ang pagbibigay ng panibagong buhay sa kanila, pagpalain po kayo ng
Diyos. Humihingi po kayo ng tulong sa kaniya upang magabayan kayo at
makapagdesisyon nang tama. Maraming salamat po!
Lubos na gumagalang,
Marella Jane Talaga
Marella Jane Talaga
No comments:
Post a Comment