Thursday, March 30, 2017

Autobiography: Maricon Prado




Maricon Prado


2015


PROFILE PICTURES  











SHARED PHOTOS



 

  


OOTD



 

STATUS WITH COMMENTS



  


BIRTHDAY GREETINGS FROM FRIENDS



 



2016


COVER PHOTOS


  

TAGGED PHOTOS

















 FB WALL MESSAGES FROM FRIENDS



 
 
 
 


 EVENT PHOTOS


Christmas Party


 JS Prom


PICTURE WITH FAMILY


Tingin ko kay Maricon o mas kilalang "Mico" sa loob ng aming silid-aralan.

Si Mico ang una kong nakilala noong unang pasukan, marunong siyang makisama. Tanda ko non, nag exchange agad kami ng phone numbers at ini add sa facebook ang isa't isa. Siya rin ang una kong naging katabi sa upuan at madalas ko siya non nakakausap. Mabait siya at mapagmahal sa kaibigan, napapansin ko kung paano niya pahalagahan ang mga kaibigan niya. Natatawa lang ako pag nagsasalita na siya ng salitang may "r", bulol kasi siya sa letrang r. Hanga din ako sa sa galing niyang mag drowing.






Taklub: Pagbangon sa Pagkakadapa





Image result for taklub
Dumaranas ng mga sakuna ang ating bansa, katulad na lang ng bagyong Yolanda.Dahil dito karamihan sa mga Pilipino ang nawalan ng ari-arian at maha sa buhay.

Dahil sa kahirapan, karamihan sa mga Pilipino ay nahihirapang umahon sa sakuna at magsimula muli.

Na sunog ang tent na pansamantalang tinitirhan ng pamilya ni Renato.Nagbigay ng tulong ang kanyang kapitbahay sa pangunguna ni Bebeth.

Sa gitna ng sakuna mo malalaman kung sino ang totoong may pakielam at may malasakit sa kapwa.

Nais ni Brillante Mendoza na ipakita ang naging kalagayan ng mga taong nasalanta ng Bagyong Yolanda. Sa pamamagitan nito mamumulat ang mga Pilipino at mauunawaan ang reyalidad.

Mahalaga na mulat tayo sa nangyayati sa paligid at tanggapin ang reyalidad kahit gaano man ito kahirap.

Kahit gaano pa kalala ang mga sakunang nararanasan ng ating bansa mapapansin na mabagal pa rin ang aksiyon ng gobyerno. Maraming nagrereklamo ngunit wala silang magagawa kundi ang maghintay.

Kung mabilis ang pag-aksiyon ng gobyerno sa sakunang ito, mapapabilis din ang pagsisimula ng bagong buhay ng mga taong naapektuhan.

Nasalanta ng bagyong Yolanda ang mga taong naninirahan sa Tacloban City dahil dito, marami ang nawalan ng ari-arian at mahal sa buhay. Mabagal ang pag-aksiyon ng gobyerno kaya hindi agad sila makaahon at makapagsimula muli. Wala silang magawa kundi ang maghintay at tanggapin ang reyalidad.

Ang pelikulang Taklub ay may mga aral at mensahe sa mga manunuod. Ang mga ito ay makakatulong sa atin upang mamulat tayo sa reyalidad, maari din na magpabago sa'tin at sa pananaw natin sa buhay.


Liham kay Pangulong Duterte


Mahal naming Pangulong Rodrigo P. Duterte,

         Pagbati ng magandang araw! Nagagalak ako na ikaw ang naging bagong pangulo ng ating bansa. Ika'y nangako ng magandang pagbabago, problema sa droga ang nais mo agad solusyunan.Sinabi mong gagawin mo ang lahat ng iyong makakaya upang umunlad ang bansang Pilipinas.

        Sa panahon ngayon tumataas na ang bilang ng mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot.Nakakalungkot dahil maging mga nasa murang edad ay gumagamit na rin nito, mukhang wala talagang pinipiling edad ang droga.

        Dahilan po siguro ito kung kaya't ang problemq sa droga ang nais niyong solusyunan.Napapansin ko na gumagawa na kayo agad ng aksiyon kahit ikaw ay palang sa posisyon.

       Makikita ang mga pagbabagong nangyayari sa ating bansa.Marami ng gumagamit at nagtutulak ng droga ang pinapatay, ang balita ko ay kayo ay may listahan. Nakasulat doon ang kanilang mga pangalan.Wala kayong pinipili, mayaman man o mahirap. Halos araw-araw nang panonood ko ng balita naibabalita sa telebisyon, maging ew radyo ang tungkol sa mga taong pinatay May mga karatulang nakasabit sa kanila na nagsasabing "Huwag akong tularan,pusher ako."

        Marami ang nabahala kaya nagdesisyong sumuko, gusyo nilang magbagong buhay. Siguro para na rij sa kanilang mga mahal sa buhay. Nguniy ang nakakalungkot dito, ang ilan sa kanila ay pinapatay pa rin. Nakakagulat ang mga katotohanang ito ngunit ito ang tunay na nangyayaro sa paligid at sa ating bansa.

       Sa kasalukuyan bumababa ang bilwng ng mga gumagamit ng pinagbabawal na gamot, maging ang mga nasa murang edad ay tinigilan na ito.

       Ngunit, sa kabila ng mga patayang nagaganap, nakakatuwang isipin na ang ilan ay hinagayaan mong magbago ng tuluyan. Tinutulungan niyo silang magsimula muli. Nabalitaan ko na ikaw ay nagbigay ng hanapbuhay sa kanila.Binibigyan mo rin sipa ng pag-asa at pagkakataong talikuran anh dati nilang buhay, kung saan wala silang liwanag upang sila ay mabuhay. Ipagpatuloy niyo sana ang pagbibigay ng panibagong buhay sa kanila, pagpalain po kayo ng Diyos. Humihingi po kayo ng tulong sa kaniya upang magabayan kayo at makapagdesisyon nang tama. Maraming salamat po!


Lubos na gumagalang,
Marella Jane Talaga





Critical Essay/ Sanaysay

Ayon kay Alejandro Abadilla ang sanaysay ay hango sa pariralang "sanay ng salaysay" dahil dito hinahayag ng sumulat ang sarili niyang karanasan.

Maituturing na sanaysay ang talambuhay dahil ito ay nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Ito ay hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

Ang naging tunguhin ng sanaysay sa kasaysayan ng panitikang Pilipino ay pagbibigay ng kaalaman, opinyon , saloobin at ng mga aral. Dahil ito ay may kaisipan, paniniwala at pananaw naging daluyan ito ng ideolohiya.

Nilikha ang sanaysay dahil dito natututo ang mambabasa mula sa inilahad na kaalam at kaisipang taglay ng isang manunulat. At ito rin ay isang paraan upang maipahayag ng isang tao ang kanyang damdamin.

Bilang isang uri ng panitikan, naging ambag ng sanaysay ang mga aral at aliw sa mambabasa. Dito din nagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon ang may akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari

Ang mga lumitaw na isyu ukol sa pagsasanay sa Pilipinas ay ang mga pananakop sa ating bansa. Katulad noong panahon ng panitikang rebolusyunaryo at sedisyon. Ginamit ito ng mga manunulat upanh makalaya sa mga mananakop.

Ang pormal na sanaysay ay tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ito ng masusing pag-aaral at malalim na pagkaunawa sa paksa. Dito inaakay ng manunulat ang mga mambabasa sa malalim na pag-iisip upang makabuo ng sariling pagpapasya habang ang di pormal o impormal na sanaysay ay tumatalakay sa paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal. Dito naman binibigyan ng manunulat ang nga bagay-bagay, karanasan o isyung maaring magpakilala ng personalidad ng manunulat o pakikisangkot sa mga mambabasa.

Ang bawat tao ay may kanya kanyang karanasan sa araw-araw at mayroong iba't ibang pangyayari sa buhay.Dahil dito ang malikhaing sanaysay ang madalas sulatin dahil ito ay totoo at hindi kathang isip.Ito ay nagtatala ng patungkol sa tunay na tao at pangyayari.

Maituturing na malikhain sanaysay ang BLOG/BLOGGING dahil ito ay naglalahad ng sariling karanasan, opinyon, damdamin, kaisipan, saloobin, reaksiyon ng manunulat hinggil sa isang makabuluhan, mahalaga at napapanahong paksa o isyu.

Maging Wais sa Pagpili

Nalalapit na ang pasukan, ilang buwan nalang kayo'y magiging Grade 11 na. Siguro kayo ay nag iisip na ng kukuning strand, humihingi na rin ng payo sa magulang at tinatanong na ang mga kaklase. Nandiyan ang NCAE upang makatulong sa padedesisyon mo. Ngunit na sa'yo pa rin ang desisyon.
Sa strand na Humanities and Social Sciences o HUMSS marami kang matutunan. Hindi lang tungkol sa pag-aaral maging ang reyalidad. Dito ang pokus mo ay mga tao, silang ang pinag-aaralan mo dito.
Makikia at matututunan mo ang makisalamuha,makisama,makipag kapwa sa mga tao sa paligid mo.Ang mga trabaho dito ay may kaugnayan sa tao.
Pansinin mo ang trabaho ng iyong magulang, magtanong tanong ka rin sq ibang mga kakilala mo, magkaroon ka ng ideya kung ano nga bang meron dito at kung gaano nga ba ito ka-importante.
Isa sa trabaho dito ay pagpupulis, hindi lang tinuturo ang paghuli ng kriminal, matututunan mo rin dito ang tamang disiplina na meron ka bilang isang pulis.Lalo pa at mhalaga ang tungkulin ng ms pulid sa ating bansa.
May mga guro din dito, matutulungan ka ng strand na'to ng tamang paggawa at pagtututo sa kabataan.Imumulat ka nito na ang pagiging guro ay hindi lang trabaho, ito ay obligasyon ngunit ika'y magiging masaya dito.May mga tao kang makikilala, iba'y ibang katangian at edad.
Sa panahon ngayon, maraming mga pulis ang lalong minamahal ang kanilang mga trabaho. Dahil nakakatulong sila sa kanilang kapwa. At nakakatulong ang strand ng HUMSS upang magkaroon sila ng mabuting katangian. Wala silang pinagsisihan kahit sinasabing nakabaon na sa lupa ang kanilang isang paa.
Pansinin mo ang iyong guro, makikita mo ang determinasyon niya sa pagtuturo, kahit siya ay naiingayan at matigas ang inyong ulo, hindi pa rin niya kayo sinusukuan. Dahil ang strand ng HUMSS ang nagmulat sa kanya na mahalin ang trabaho at ang mga tao dito.
Hindi ka magsisisi sa stranf ng HUMSS dahil marami kang matututunan dito. Malalaman mo kung ano ba talaga ang kailangan ng ating bansa, kung anong trabaho ang malaki ang impluwensiya at maitutulong dito.
Mahalin mo ang strand na HUMSS, hindi ka mababagot dahil ito ay may iba't ibang aspekto, mga bagong karanasan na makakatulong sayo upang mahubog ang iyong pagkatao.


Ang Tunay na Ako

Ako si Marella Jane Talaga, ipinanganak noong Nobyembre 4,1999 sa Lucena City. Ang taas ko ay hindi nababagay sa edad kong 17, kaya madalas nila akong nasasabihan na "maliit."
Medyo mataba ako noon ngunit napapansin ng nakakarami ang pagbabago sa aking katawan. Sabi nila namamayat na daw ako ngunit sabi din nila hindi daw sa akin bagay ang payat.
Mas bagay daw sa akin yung medyo mataba ako.Namamayat nga ako pero mataba naman ang aking pisngi.
Hindi ako mahilig sa sports at hindi pala exercise kaya hindi ako nagkakaroon ng abs at hindi din nagkakamuscle ang braso ko. Pero sabi nila meron daw magandang hubog ang katawan ko.
Hindi ako maputi at hindi din naman ako kaitiman dahil kayumanggi ang aking kulay.Makikita sa akin ang pagka-Pilipina.
Ngunit sa kabila ng pagiging kayumanggi at hindi katangusang ilong, ako ay naniniwalang may angkin akong kagandahan. Madalas din itong napapansin ng iba, ngunit nahihiya pa rin ako tuwing pinupuri nila.
Pansin ko sa mga babae ngayon mahihilig magkilay.Tuwing may nakakasalubong ako kapansin-pansin 'yung kilay niya ngunit ako yung tipong hindi hilig mag-kilay.
Tinatamad din ako minsan magsuklay, dahil magugulo din naman. Madalas nakatali lang ng mataas ang buhok ko dahil mainit 'pag naka lugay. Mahilig akong mag pulbo dahil ayoko na malagkit ang aking mukha.
Madalas nakapantalon,tshirt,at sapatos lang ako. Hindi ako mahilig magbestida at magsuot ng maikli maliban na lang kung kinakailangan.
Madaming nagsasabi sa'kin na "simple" lang akong babae. Naniniwala ako sa kanila dahil 'yon din ang tingin ko sa sarili ko. Tanggap ko kung ano at sino ako.
Madalas sinasabi ng mga tao sa paligid ko para daw akong walang problema. Sinasabi ko na lang na lahat naman ng tao may problema pagandahan na lang ng pagdadala. Problema lang 'yan, hindi ka dapat magpatalo diyan.
Ako kasi 'yung taong pag nagkakaproblema, nagdadasal agad ako sa Diyos. Naniniwala kasi ako na lahat kayang gawin ng Diyos.
Madalas akong pumupunta sa mga gawain sa simbahan namin. Naglilingkod ako sa pamamagitan ng pagsayaw at pagkanta sa unahan. Nagbabahagi din ako ng salita sa mga katulad kong kabataan.
Sabi nila malawak daw ang imahinasyon ko. Siguro nga dahil nakakagawa ako ng iba't ibang kwento. Ang mga mambabasa ang nagiging inspirasyon ko.
Gusto kong maranasang lumipad katulad ng isang agila. Gusto ko din languyin ang karagatan katulad ng isang sirena.
Ang hinding hindi ko kailanman gagawin ay ang magpakamatay at pumatay. Ang buhay ay regalo ng Diyos. At ang 'wag pumatay ay kasama sa sampung utos Niya.
Ako 'yung tipo ng tao na gustong nararamdam na mahal at mahalaga siya. Isa kasi sa kahinaan ko ang balewalain ng mga tao sa paligid ko.
Ayoko ng may taong nagagalit sa akin. Ang bigat sa pakiramdam at pakiramdam ko ang sama-sama ko. Kaya nag-iingat ako sa mga sasabihin at gagawin ko.
Pangarap ko ang pumunta sa iba't ibang bansa. Gusto kong isama ang mga magulang ko.
Marami na akong napagdaanan at alam kong marami pa akong dapat pag daanan. Ano mang mangyari, magpapatuloy ako na abutin ang aking mga pangarap at hitagumpay sa buhay.
Lumaki akong may kumpletong pamilya. Magkakasama kami sa bahay. Kahit may asawa na ang Ate ko na pangalawa saming magkakapatid, sa'amin pa rin sila nakatira.
Hindi kami mayaman, hindi din kami mahirap, tama lang kumbaga nasa gitna. Naibibigay ng magulang namin ang aming pangangailangan at nakakakain kami ng maayos araw-araw.
Marami akong kaibigan at mga tinuturing na kapatid. Kasama ko sa kasiyahan, kalokohan maging sa kalungkutan. Lagi silang nandyan para sa akin.
Madalas akong hingan ng payo at mahilig din akong magbigay ng payo. Natutuwa ako tuwing may nagkwekwento sa akin dahil pakiramdam ko pinagkakatiwalaan nila ako.
Nabiyayaan naman ako ng talento sa pagkanta at mahilig akong gumawa ng sariling kanta. Sumasayaw din ako sa simbahan namin. Mahilig din akong magsulat ng kwento at inilalagay ko ito sa Wattpad.
Libangan ko ang pagbabasa ng libro. Pag may binabasa ako gusto kong tinatapos ito agad. Dahil dito kaya lumabo ang mga mata ko.
Mahilig din akong manood ng pelikula. Maingay ako kapag nanunuod at pakiramdam ko nararamdaman ko ang nararamdaman ng bida. Hindi lang ako nanonood ng katatakutan dahil ito ay aking naiisip at napapanaginipan.
Wala pa akong nakakarelasyon dahil hindi pa tama ang panahon at wala pa ako sa tamang edad. Pinagbabawalan ako ng magulang ko at hindi pa din naman ako handa.
Nakapokus ako ngayon sa pag-aaral. Gusto ko ang Filipino, English at Science. Mahina ako sa Math ngunit sinisimulan ko nang intindihin ito.
Hindi ako katalinuhan pero nagtapos ako nang may karangalan noong Junior High School. Ito'y inalay ko sa aking mga magulang na naging inspirasyon ko. Natutunan ko sa kanila na walang imposible basta marunong kang magtiwala sa sarili mo at sa kaya mong gawin.
May mga nagtatanong sa akin kung may balak akong pumasok sa pulitika dahil nga ang "Talaga" na apelyido ko ay puro kasali dito. Ngunit hindi ako susunod sa nasimulan nila dahil hindi ako interesado at wala akong hilig sa pulitika.
Muntik ng maghiwalay ang aking mga magulang. Ilang taon na ang nakakalipas nu'ng mangyari yon pero isa 'yon sa alaalang hindi ko makalimutan.
Nasa baitang 6 ako noon sa elementarya nang magkaroon ng problema ang aming pamilya. Dito nasubukan kung gaano kami katatag.
Ang aking ina ay may ibang lalaki at sabi niya sa amin, hindi na raw niya mahal si Papa. Pagkatapos umamin ni Mama kay Papa, umalis kami ni Mama ng bahay. Tumira kami sa apartment.
Gabi-gabi umiiyak si Mama. Ako'y madalas manahimik lang sa isang tabi.Katext ko lagi si Papa at binilin niya na alagaan ko si Mama.
Bilang pinakabunso sa aming tatlong magkakapatid, nahihirapan akong tanggapin ang nangyayari lalo pa dahil masyado pa akong bata. Hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga bagay bagay.
Umiiyak din ako, ngunit 'pag wala ng tao sa paligid ko. Gusto ko kasing ipakita na malakas ako kahit sa loob ko, nahihirapan, at nasasaktan din ako katulad nila.
Ganito din ang napansin ko sa mga kapatid ko. Malalakas din sila katulad ko. Dahil dito napagtanto ko,pinalaki kaming malakas at matatag sa ano mang problema.
Makalipas ang mga araw, nagdesisyon si Mama na bumalik kami sa bahay. Naghiwalay sila nung lalaki at nagsama muli sila ni Papa.
Sinabi ni Mama na kaya siya bumalik ay para sa aming magkakapatid. Gusto ni Mama na makatapos muna ako ng pag-aaral. Ayaw niyang maranasan ko ang pagkakaroon ng hiwalay na pamilya.
Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil mayroon na ulit akong kumpletong pamilya. Hindi man perpekto pero masaya.