Ako si Marella Jane
Talaga, ipinanganak noong Nobyembre 4,1999 sa Lucena City. Ang taas ko ay hindi
nababagay sa edad kong 17, kaya madalas nila akong nasasabihan na
"maliit."
Medyo mataba ako
noon ngunit napapansin ng nakakarami ang pagbabago sa aking katawan. Sabi nila
namamayat na daw ako ngunit sabi din nila hindi daw sa akin bagay ang payat.
Mas bagay daw sa
akin yung medyo mataba ako.Namamayat nga ako pero mataba naman ang aking
pisngi.
Hindi ako mahilig sa
sports at hindi pala exercise kaya hindi ako nagkakaroon ng abs at hindi din
nagkakamuscle ang braso ko. Pero sabi nila meron daw magandang hubog ang
katawan ko.
Hindi ako maputi at
hindi din naman ako kaitiman dahil kayumanggi ang aking kulay.Makikita sa akin
ang pagka-Pilipina.
Ngunit sa kabila ng
pagiging kayumanggi at hindi katangusang ilong, ako ay naniniwalang may angkin
akong kagandahan. Madalas din itong napapansin ng iba, ngunit nahihiya pa rin
ako tuwing pinupuri nila.
Pansin ko sa mga
babae ngayon mahihilig magkilay.Tuwing may nakakasalubong ako kapansin-pansin
'yung kilay niya ngunit ako yung tipong hindi hilig mag-kilay.
Tinatamad din ako
minsan magsuklay, dahil magugulo din naman. Madalas nakatali lang ng mataas ang
buhok ko dahil mainit 'pag naka lugay. Mahilig akong mag pulbo dahil ayoko na
malagkit ang aking mukha.
Madalas
nakapantalon,tshirt,at sapatos lang ako. Hindi ako mahilig magbestida at
magsuot ng maikli maliban na lang kung kinakailangan.
Madaming nagsasabi
sa'kin na "simple" lang akong babae. Naniniwala ako sa kanila dahil
'yon din ang tingin ko sa sarili ko. Tanggap ko kung ano at sino ako.
Madalas sinasabi ng
mga tao sa paligid ko para daw akong walang problema. Sinasabi ko na lang na
lahat naman ng tao may problema pagandahan na lang ng pagdadala. Problema lang
'yan, hindi ka dapat magpatalo diyan.
Ako kasi 'yung taong
pag nagkakaproblema, nagdadasal agad ako sa Diyos. Naniniwala kasi ako na lahat
kayang gawin ng Diyos.
Madalas akong
pumupunta sa mga gawain sa simbahan namin. Naglilingkod ako sa pamamagitan ng
pagsayaw at pagkanta sa unahan. Nagbabahagi din ako ng salita sa mga katulad
kong kabataan.
Sabi nila malawak
daw ang imahinasyon ko. Siguro nga dahil nakakagawa ako ng iba't ibang kwento.
Ang mga mambabasa ang nagiging inspirasyon ko.
Gusto kong
maranasang lumipad katulad ng isang agila. Gusto ko din languyin ang karagatan
katulad ng isang sirena.
Ang hinding hindi ko
kailanman gagawin ay ang magpakamatay at pumatay. Ang buhay ay regalo ng Diyos.
At ang 'wag pumatay ay kasama sa sampung utos Niya.
Ako 'yung tipo ng
tao na gustong nararamdam na mahal at mahalaga siya. Isa kasi sa kahinaan ko
ang balewalain ng mga tao sa paligid ko.
Ayoko ng may taong
nagagalit sa akin. Ang bigat sa pakiramdam at pakiramdam ko ang sama-sama ko.
Kaya nag-iingat ako sa mga sasabihin at gagawin ko.
Pangarap ko ang
pumunta sa iba't ibang bansa. Gusto kong isama ang mga magulang ko.
Marami na akong
napagdaanan at alam kong marami pa akong dapat pag daanan. Ano mang mangyari,
magpapatuloy ako na abutin ang aking mga pangarap at hitagumpay sa buhay.
Lumaki akong may
kumpletong pamilya. Magkakasama kami sa bahay. Kahit may asawa na ang Ate ko na
pangalawa saming magkakapatid, sa'amin pa rin sila nakatira.
Hindi kami mayaman,
hindi din kami mahirap, tama lang kumbaga nasa gitna. Naibibigay ng magulang
namin ang aming pangangailangan at nakakakain kami ng maayos araw-araw.
Marami akong
kaibigan at mga tinuturing na kapatid. Kasama ko sa kasiyahan, kalokohan maging
sa kalungkutan. Lagi silang nandyan para sa akin.
Madalas akong hingan
ng payo at mahilig din akong magbigay ng payo. Natutuwa ako tuwing may
nagkwekwento sa akin dahil pakiramdam ko pinagkakatiwalaan nila ako.
Nabiyayaan naman ako
ng talento sa pagkanta at mahilig akong gumawa ng sariling kanta. Sumasayaw din
ako sa simbahan namin. Mahilig din akong magsulat ng kwento at inilalagay ko
ito sa Wattpad.
Libangan ko ang
pagbabasa ng libro. Pag may binabasa ako gusto kong tinatapos ito agad. Dahil
dito kaya lumabo ang mga mata ko.
Mahilig din akong
manood ng pelikula. Maingay ako kapag nanunuod at pakiramdam ko nararamdaman ko
ang nararamdaman ng bida. Hindi lang ako nanonood ng katatakutan dahil ito ay
aking naiisip at napapanaginipan.
Wala pa akong
nakakarelasyon dahil hindi pa tama ang panahon at wala pa ako sa tamang edad.
Pinagbabawalan ako ng magulang ko at hindi pa din naman ako handa.
Nakapokus ako ngayon
sa pag-aaral. Gusto ko ang Filipino, English at Science. Mahina ako sa Math
ngunit sinisimulan ko nang intindihin ito.
Hindi ako
katalinuhan pero nagtapos ako nang may karangalan noong Junior High School.
Ito'y inalay ko sa aking mga magulang na naging inspirasyon ko. Natutunan ko sa
kanila na walang imposible basta marunong kang magtiwala sa sarili mo at sa
kaya mong gawin.
May mga nagtatanong
sa akin kung may balak akong pumasok sa pulitika dahil nga ang
"Talaga" na apelyido ko ay puro kasali dito. Ngunit hindi ako susunod
sa nasimulan nila dahil hindi ako interesado at wala akong hilig sa pulitika.
Muntik ng maghiwalay ang aking
mga magulang. Ilang taon na ang nakakalipas nu'ng mangyari yon pero isa 'yon sa
alaalang hindi ko makalimutan.
Nasa baitang 6 ako
noon sa elementarya nang magkaroon ng problema ang aming pamilya. Dito
nasubukan kung gaano kami katatag.
Ang aking ina ay may
ibang lalaki at sabi niya sa amin, hindi na raw niya mahal si Papa. Pagkatapos
umamin ni Mama kay Papa, umalis kami ni Mama ng bahay. Tumira kami sa
apartment.
Gabi-gabi umiiyak si
Mama. Ako'y madalas manahimik lang sa isang tabi.Katext ko lagi si Papa at
binilin niya na alagaan ko si Mama.
Bilang pinakabunso
sa aming tatlong magkakapatid, nahihirapan akong tanggapin ang nangyayari lalo
pa dahil masyado pa akong bata. Hindi ko pa masyadong maintindihan ang mga
bagay bagay.
Umiiyak din ako,
ngunit 'pag wala ng tao sa paligid ko. Gusto ko kasing ipakita na malakas ako
kahit sa loob ko, nahihirapan, at nasasaktan din ako katulad nila.
Ganito din ang
napansin ko sa mga kapatid ko. Malalakas din sila katulad ko. Dahil dito
napagtanto ko,pinalaki kaming malakas at matatag sa ano mang problema.
Makalipas ang mga
araw, nagdesisyon si Mama na bumalik kami sa bahay. Naghiwalay sila nung lalaki
at nagsama muli sila ni Papa.
Sinabi ni Mama na
kaya siya bumalik ay para sa aming magkakapatid. Gusto ni Mama na makatapos
muna ako ng pag-aaral. Ayaw niyang maranasan ko ang pagkakaroon ng hiwalay na
pamilya.
Nagpapasalamat
ako sa Diyos dahil mayroon na ulit akong kumpletong pamilya. Hindi man perpekto
pero masaya.