" Pansinin sila sa Gilid "
Hindi lang sa loob ng Sampaguita may mga tinda, maging sa labas may nagtitinda na.
Hindi mo na kailangang pumunta pa sa Mall para makabili ka ng telang gamit sa bahay, dahil sa gilid gilid lang makikita mo ang mga ito na may makukulay na disenyo.
Iba't ibang genre ng cd ang makikita.Ito'y mabenta , kahit ang ilan dito ay pirata.
Hindi mo na kailangang pumunta pa sa Mall para
makabili ka ng telang gamit sa bahay, dahil sa gilid gilid lang makikita mo ang
mga ito na may makukulay na disenyo.
Sa loob ng Unitop iba't iba ang mga paninda,sa labas nito may mabibiling ginto't pilak na alahas.
Bili bili na ng sombrelo. Pambata man o pang matanda, doon sa may tabi ng BDO may bilihan ng sombrelo.
Sasakyan niyang may tindahan, saan man pumwesto siya'y makakabenta.
Hindi lang gamit sa eskwela ang mabibili sa may Sunlife dahil sa labas nito sari-saring paninda ang makikita. Napaganda pa nga puwesto ni Ate dahil sa papusong disenyo ng Sunlife.
Araw na ng mga puso kaya nandiyan si Kuya upang pagbilhan ka ng pulang rosas at puso niyang plastik.
May ukay-ukay din sa labas,ito ay hanggang taas para kitang ng lahat. Madaling makakahanap ang mamimili dahil hindi na kailangang maghalungkat pa.
No comments:
Post a Comment