Wednesday, February 15, 2017

PHOTO ESSAY


" Pansinin sila sa Gilid "


Hindi lang sa loob ng Sampaguita may mga tinda, maging sa labas may nagtitinda na.





Hindi mo na kailangang pumunta pa sa Mall para makabili ka ng telang gamit sa bahay, dahil sa gilid gilid lang makikita mo ang mga ito na may makukulay na disenyo.



Iba't ibang genre ng cd ang makikita.Ito'y mabenta , kahit ang ilan dito ay pirata.



Hindi mo na kailangang pumunta pa sa Mall para makabili ka ng telang gamit sa bahay, dahil sa gilid gilid lang makikita mo ang mga ito na may makukulay na disenyo.




Sa loob ng Unitop iba't iba ang mga paninda,sa labas nito may mabibiling ginto't pilak na alahas.


Bili bili na ng sombrelo. Pambata man o pang matanda, doon sa may tabi ng BDO may bilihan ng sombrelo.



Sasakyan niyang may tindahan, saan man pumwesto siya'y makakabenta.



Hindi lang gamit sa eskwela ang mabibili sa may Sunlife dahil sa labas nito sari-saring paninda ang makikita. Napaganda pa nga puwesto ni Ate dahil sa papusong disenyo ng Sunlife.



Araw na ng mga puso kaya nandiyan si Kuya upang pagbilhan ka ng pulang rosas at puso niyang plastik.




May ukay-ukay din sa labas,ito ay hanggang taas para kitang ng lahat. Madaling makakahanap ang mamimili dahil hindi na kailangang maghalungkat pa.



INTERVIEW



Lulutuin ko, Kakainin mo


                  Naglalakad kami sa Bayan ng makaramdam kami ng gutom.Napagpasyahan na burger ang aming kakainin kaya humanap kami ng Burger stand.



                  Malapit sa may Petron sa bayan, nakakita kami;ngunit ang tindera na nandon ay nakasimangot kaya humanap kami ng iba. Hanggang sa makarating kami sa burger stand malapit sa simbahan ng Cathedral. Maaliwalas ang mukha ng babaeng tindera. Mukhang hindi ako mawawalan ng gana. Naisip ko din na kailangan namin ng mai-interview, mukha naman pati itong palakaibigan.

  
    Hindi naman ako nagkamali;mabait naman si Ate.


Nagkwento kami ng kasama ko tungkol sa maaring maging sideline namin na trabaho.

             Napansin ko na tumingin si Ate sa'min.


             



                  "Paano po sumideline dito? " tanong ko sa kanya.



                  "Nako hindi kami side line.Full time kami.natatawang sagot niya sa'kin.



                  "Mahirap po ba ang trabahong ito?" dagdag ko pang tanong.  Napangiti naman si Ate."Sa una mahirap;pero 'pag tumagal na para ka na lang naglalaro." Nilagay nito ang mga tinapay sa bandang taas,sabay harap sa'min. "Kahapon pa nga ako ditong 11:30 ng umaga,di pa ako nauwi. "



               "Para po pa lang pangalawang bahay ni'yo na ito. Ilang taon na po ba kayong nagtatrabaho dito?"



  "2 1/2,pero 'yung kapalit ko, matagal na. Saka lang naman ako nag trabaho nu'ng nagkaasawa ako." sagot niya habang nag-aayos ng mga softdrinks sa refrigerator.



Napansin ko 'yung bata na naglalaro malapit sa stand ng "Bigmak",mukha itong sampung taong gulang. Lumapit ito kay Ate at tinawag niya itong "Mama". Umalis din ito at nagpaalam na maglalaro.



                  "Panganay ko. Apat ang anak ko,'yang panganay lang ang gusto laging sumama. "



                  Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman na iniisip ko ang batang tumawag sa kanya ng "Mama". Napansin niya siguro anh pagtingin at pagkunot ko ng noo.



                 "Bata pa po pala kayo? Bata pa po ang panganay niyo eh."



                 Natawa siya sa sinabi ko. "Ay matanda na ako. 38 na ako,matanda na nga lang nag asawa. "

                  Napangiti naman ako. "Wow,true love waits po."



                  Lalo itong napangiti dahil sa sinabi ko."Oo nga,nag tagal kami eh.4 years."



                  "Bago po kayo nag pakasal?"



                 "Oo." Lalo akong napangiti sa sagot niya,may ganoon pa pala.

                 Nagkaroon ng katahimikan. Naalala ko 'yung tungkol sa pagsideline kaya binalik ko ang usapang iyon.



                 "Para ang ganda pong magtrabaho dito, anong edad po ba ang pwede?"



                 "18 pataas"



                 "Napapansin ko po na kadalasan sa ganitong trabaho,laging mag-isa lang. Kailangan po ba 'yon? Hindi ba parang nakakalungkot 'pag mag isa lang? "



                 Natawa ito.Siguro dahil na rin sa may paghugot ako sa dulo.



                "Oo,kailangang mag isa lang talaga."



                May dumating na lalaking nakaitim at umorder ito ng buy one take one na cheese burger. Sa tapat,sa may unahan ito pumwesto.

                Ilang beses itong tumingin sa'min kaya napansin ko ang mapupungay nitong mga mata.



                  Pag ka bigay ni Ate ng order nito,umalis naman agad ang lalaki.



                  "Tinanong ako nu'ng lalaking yon kahapon kung may istraw daw akong tinda." pagbasag ni Ate sa katahimikan.



                  "Sabi ko'y , "akala siguro ay..."Hindi ko naman alam,malay ko ba.Payat lang ako pero hindi ako nagdodroga." Napatawa ito.



                  "Yung lalaking yon, sabi ay "Pabili nga ng istraw." Sinagot ko naman . "Hindi po ako nagbebenta non."



                  "Siguro naisip niya na hindi ko nagets, eh hindi ko naman alam.Naisip ko lang ay nu'ng huli na." dagdag pa nito.



                  "Ano pong klaseng istraw? Yung ganito?" Pinakita ko yung istraw na nakalagay sa bote ng softdrinks.



                  Natawa naman si Ate. "Hindi ko nga alam kung anong istraw.Ang pogi pa naman ano? May istura pa naman,sayang no?"



                  "Lagi po ba yon nabili dito?"



                  "Hmmmm.Oo nung isang araw." 



                  "Buti hindi pa po kayo nahoholdap."



                  "Hindi pa naman pero kahapon nakuhaan ako ng footlong,nakuha nu'ng bata. Mukha siyang katorse anyos. Nakakatawa nga dahil pag katapos makuha ay nagpasalamat pa." 



                  "Ano pong reaksiyon nu'ng mga kustomer?" 



                  "Natatawa na lang din,nag pasalamat kasi. Siguro,gutom talaga siya." 



                  "Charge po 'yon sa inyo?"



                  "Oo,ang laki nga ng short ko kahapon." Maya-maya lang ay may dumating na babae. Napansin ko naman na ang damit na suot nito ay katulad ng suot ni Ate. Ito siguro ang kapalit ni Ate na tatao dito sa Stand ng Bigmak. 



                  Nagkwento naman agad si Ate do'n sa babae na kadarating lang. Kinuwento niya ang ginawang pagnanakaw nu'ng batang lalaki sa footlong.

                  Kami ay tahimik lang na nakatingin sa kanila,wala na kaming kinakain at itinabi na rin ni Ate ang bote ng softdrinks na binili namin kanina. Napansin ko na napapatingin sa'min yung babae na kadarating lang. Nagtataka siguro ito kung bakit nakikinig kami sa kanila. Maya-maya ay naisipan na rin namin na umalis,hindi na kami nagkapagpaalam kay Ate.

REPORTAGE




 Nasa Kabataan ang Kapangyarihan

             Noong Ika-10 ng Disyembre ginanap  ang isang pag diriwang na may temang "Arts for Human Rights" Ang programang ito ay idinaos sa Event Center, floor ng Pacific Mall,Lucena City.Naimbitahan dito ang mga mag-aaral na HUMSS mula sa Calayan Educational Foundation Inc.

                Bago magkaroon ng talakayan tungkol sa tema ng programa, hinayaan muna na ipakita ng mga estudyante ang kanilang talento. May mga estudyante na umawit at tumula. 

                Maging ang mga  nadaan sa gilid ay napapahinto upang panuorin ang pagpapamalas ng talento ng mga estudyante. Pagkatapos ng nito,sinimulan ang talakayan. Sinabi dito na ang programang pinagdiriwang ay may kinalaman sa malagim na yugto sa panahon ng panunungkulan ni pangulong Ferdinand Marcos.

                Ayon sa mga nag organisa ng programa,
 "Lahat dapat ay makisama kahit may edad o nasa murang edad pa lang dahil ito ay mapapakinabangan natin sa susunod pang henerasyon." 

                Tinalakay din nila ang Social Media at hinikayat ang mga mag-aaral na maging mulat sa "social issues " at magkaroon ng pakialam sa lipunan.

                Ipinagkumpara nila ang kalagayan ng lipunan noong panahon ng pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa panahon ngayon. May paniniwala sila na nasa kabataan ang kapangyarihan dahil sa panahon ngayon,may karapatan nang tumanggi sa mapang aping lipunan.

              Sa kalagitnaan ng programa,sa may tabi ay naglatag sila ng bandang tabing kanan nag latag sila ng malaking tela, ipinatong nila ito sa diyaryo na nakahanay sa sahig. Ang tela ay kinulayan nila ng pulang pintura at pinatuyo. Maya-maya lang ay may dala na silang iba't ibang gamit pang pinta at  kulay ng pintura. Sari-sariling pwesto ang mga ito na nagsimulang gumuhit. 


                Ang mga tao naman sa paligid ay napapatigil sa paglalakad at tinigingan ang bawat iginuguhit ng mga ito sa telang kinulayan ng pulang pintura. 

                Nang sumapit ang tanghali ay hinayaan nilang kumain ang mga mag-aaral kung saan nila gusto. At napagkasunduan na babalik ang mga ito ng ala una upang ipagpatuloy ang talakayang ukol sa programang ipinagdiriwang.

                Sumapit ang ala una, nagsibalik ang mga mag aral ng CEFI. Ipinalabas ang isang indie film na may pamagat na " Barber's Tail." Pinatay ang ilaw sa lugar kung saan ito pinalabas. Mapapansin na maging ang mga taong nadaan ay nakikinuod na rin.

                Matapos ang panunuod ng pelikula nagkaroon muli ng talakayan tungkol sa pagdiriwang.

                Ayon sa isa sa nag-organisa ng programa na nag ngangalang Maria Victoria Lavado. 
"Kailangan na malaman ang karapatan bilang kabataan at bilang Pilipino kaya naman ang tema ng programa ay Arts for human rights. At kung mapapansin niyo iba't ibang likhang sinning ang makikita sa paligid.  Karamihan dito ay biktima ng human rights violation at ang mga ito ay karaniwang tao lamang tulad natin."

                Maya-maya ay mga dumating na isa pang pangunahin. Siya si Elvin Quinzon. Ayon sa kanya "Ang martial law ay totoong nanyari sa reyalidad ng panahong iyon. Ginawa itong pelikula o dolumentaryo upang malaman ng mga kabataan ang totoong nangyari. Nang ito'y aking ay nabasa at napanuod,naunawaan ko ang dahilan kung bakit hindi pwedeng ilibing si Marcos sa libingan ng mga bayani." 

                Sa huli, pinayuhan niya ang mga kabaatan na huwag lamang pocket book at wattpad ang basahin.


              Isa sa nagpahayag ay ang estudyante na nag ngangalang Allen. Naikwento nya ang kanyang mga karanasang diskriminasyon lalo na sa dati niyang pinapasukang paaralan. Hinikayat niya ang mga kabataan na ipaglaban ang karapatan nila. Ayon sa kanya
 "Ang pagkunsinti sa maling gawain ay para ka na ring gumawa ng mali."

                Ang programa ay natapos sa pamamagitan ng pagmamartsa ng mga kabataan mula Pacific Mall hanggang sa Quezon National High School.